ILOILO CITY – Tatlong araw matapos na manalo sa eleksiyon, inaresto si mayor-elect Frankie Locsin ng Janiuay, Iloilo.

ILO_ONLINE

Kinumpirma ni Manuel George Jularbal, Western Visayas regional director ng National Bureau of Investigation (NBI), na si Locsin ay naka-hospital simula pa nitong Lunes.

Ito ay kasunod ng arrest warrant na inisyu matapos ang May 2019 ruling ng Korte Suprema, na sumusuporta sa hatol ng Sandiganbayan noong 2015 sa kasong graft.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nitong Lunes, nagtungo si Locsin sa NBI-6 regional office dito upang humiling ng License to Own and Possess Firearm (LOPF), ngunit lumabas na mayroon itong warrant of arrest sa Sandiganbyan nang isagawa ang database search.

Inaresto si Locsin, ngunit dinala sa ospital dahil sa sama ng pakiramdam.

Matatandaang ibinasura ng Korte Suprema ang apela ni Locsin. Siya at limang iba pa ay hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ang pagkakakulong ni Locsin ay ay nag-ugat sa pagbili ng P15 milyong halaga ng gamot noong siya pa ang alkalde ng bayan noong 2001.

Napag-alaman ng Commission on Audit (CoA) na ang mga biniling gamot, na pinondohan ng pork barrel ni Senador Tito Sotto, ay ipinagkaloob sa isang supplier na hindi accredited ng Department of Health (DoH).

Samantala, nakatakdang litisin si Locsin sa oras na makalabas sa ospital.

-Tara Yap