HINIHIKAYAT ng Iloilo Provincial Environment and Natural Resources Office o PENRO ang mga residente sa lalawigan na pakinabangan ang kanilang mga basura sa pamamagitan ng pagpapapalit ng mga plastik kapalit ng mga reusable items.

Ang programang #BoteKoIpalitKo ay inilunsad noong nakaraang taon upang magsilbing agarang solusyon sa kasalukuyang sitwasyon ng basura, sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga plastik na tumatambak at bumabara sa mga daluyan ng tubig, ayon kay Mitzi Peñaflorida, senior environmental management specialist ng PENRO.

Sa ilalim ng programa, hinihikayat ang mga Ilonggo na ilagay ang lahat ng low-density plastics o residual plastics sa loob ng botelya. Ang mga plastic bottles na mabubuo ng residual waste ay maaaring ipalit ng mga eco-bottles at eco-bags.

Nanawagan si Peñaflorida sa mga Ilonggo na makilahok at makiisa sa programa ng lungsod, na inilunsad kasabay ng pagsisimula ng Philippine Environment Month nitong Sabado.

“This Saturday, we will launch a booth at Robinson’s Place, Iloilo city proper wherein Ilonggos can redeem their rewards in managing their plastic wastes,” sinabi ni Peñaflorida nitong Biyernes.

“Seven pieces of one-liter plastic bottles filled with residual waste will be exchanged with an eco-bottle, while five pieces of one-liter plastic bottles filled with residual waste equate to one eco-bag,” dagdag pa niya.

Maaari aniyang ipalit ng mga Ilonggo ang kanilang mga basura para sa mga nabanggit na items sa tanggapan ng PENRO sa 5th floor ng kapitolyo.

Samantala, inilunsad din nitong Sabado ang 4K Program, o ang “Kahublagan Para sa Kabukiran, Kapatagan, at Kadagatan” (Aksiyon para sa Kabundukan, Kapatagan, at Karagatan) ng PENRO.

“The 4K Program is an approach wherein we call the attention—from the children to whatever ages—to value the proper way to develop our upland communities, forests, lowland communities, and coastal areas,” paliwanag pa ni Peñaflorida.

PNA