Nagpaulan ng bala ang isang dismayadong empleyado sa kanyang mga katrabaho sa munisipyo sa Virginia Beach, Virginia, nitong Biyernes ng hapon (Sabado ng umaga sa Pilipinas), at 12 ang kanyang napatay habang lima naman ang nasugatan bago siya binaril at napatay din ng mga pulis.

RESPONDE Humangos ang paramedics sa still image na ito ng video kasunod ng pamamaril sa Virginia Beach, Virginia sa Amerika nitong Biyernes (Sabado ng umaga sa Pilipinas). REUTERS

RESPONDE Humangos ang paramedics sa still image na ito ng video kasunod ng pamamaril sa Virginia Beach, Virginia sa Amerika nitong Biyernes (Sabado ng umaga sa Pilipinas). REUTERS
Nagbigay ng mga detalye si Virginia Beach Police Chief James Cervera tungkol sa nangyaring mass shooting sa coastal resort city, pero sinabing ang suspek “immediately and indiscriminately fired upon all the victims” pagpasok nito sa gusali ng munisipyo pasado 4:00 ng hapon, oras sa Amerika.

“The suspect did shoot a police officer. The officers returned fire. The suspect is deceased,” pagkumpirma ni Cervera.

Kabilang ang nabaril na pulis sa limang nasugatan sa insidente, at nailigtas ang pulis ng suot nitong bullet-proof vest, ayon kay Cervera.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ang nasabing pamamaril ang pinaniniwalaang pinakamatinding nangyari sa isang lugar ng trabaho sa Amerika simula noong Pebrero, nang binaril at napatay ng isang factory worker ang lima niyang kapwa empleyado sa Aurora, Illinois, matapos siyang masibak sa serbisyo.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkaburyong at pamamaril ng suspek, na matagal na umanong public utility employee sa Virgina Beach at inilarawang “disgruntled”.

Sa Washington, sinabi ng tagapagsalita ng White House na naiparating na kay President Donald Trump ang nangyari at ang Presidente “continues to monitor the situation.”

Reuters