Good news! May oil price rollback—‘yung big-time!

Pinangunahan ng Phoenix Petroleum ang big-time rollback, makaraang magtapyas ito ng P1.75 sa kada litro ng gasolina at P1.05 sa diesel, ngayong Sabado ng tanghali.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na bawas-presyo sa petrolyo, na bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Mayo 28 nang huling nagbawas ng P0.60 sa kerosene, P0.45 sa diesel, at P0.35 sa gasolina.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Bella Gamotea