HINIKAYAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na suportahan ang isinasagawang kampanya ng Department of Education na Oplan Balik Eskwela (OBE) para sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 3.

“Local executives are expected to work closely with DepEd to ensure that the school opening is as smooth and orderly as possible so that both students and teachers will be inspired to embark on this new learning journey,” pahayag ni DILG Secretary Eduardo M. Año.

Ang OBE na tatakbo mula Mayo 27 hanggang Hunyo 7, ay taunang programa ng DepEd upang makilahok ang mga ahensiya, samahan at iba pang stakeholders sa paghahanda ng pagbubukas ng klase.

Layunin nitong matugunan ang problema, mga kuwestiyon, at iba pang pangamba na kalimitang nararanasan ng publiko sa pagsisimula ng klase taon-taon at masiguro na nakapag-enrol na ang mga mag-aaral at handa nang pumasok sa unang araw ng klase sa Hunyo 3.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa pamamagitan ng DILG Memorandum Circular 2019 - 78, hinihinkayat din ng DILG Secretary ang mga pinuno ng lokal na pamahalaan para sa pagpapanatili at panawagan ng kanilang Peace and Order Councils (POC), Local Council for the Protection of Children (LCPC), at Local Disaster Risk Reduction Management Council (LDRRMC) bilang paghahanda sa pasukan.

Hinihikayat din ang mga opisyal ng lungsod na tumulong sa pagbibigay ng impormasyon at mabilis na tugon, pagmomobalisa ng mga barangay para linisin ang mga panuto sa gaan papasok ng paaralan, at tulungan ang DepEd sa paghahanda ng mga pasilidad.

Iniutos na rin ni Año sa mga lokal na pamahalaan ang pagtatalaga ng kanilang mga lokal na pulis at mga opisyal ng barangay para magbantay malapit sa mga paaralan upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyanteng papasok at pauwi mula paaralan.

“Dapat maging mapagbantay ang kapulisan at mga barangay tanod para bantayan at protektahan ang mga istudyante laban sa mga kriminal at mga mapagsamantala (The police and village watchmen should always be on the lookout to protect students against criminals and other lawless elements),” aniya.

Samantala, siniguro na ng Philippine National Police (PNP) ang presensiya ng mga security patrols sa mga paaralan at sakayan; pagtatalaga ng mga road safety marshals; at information drive sa pamamagitan ng quad media at pamamahagi ng mga safety tips at anti-criminality leaflets.

“The PNP is prepared to assist OBE. We will be establishing Police Assistance Desks in school campuses in coordination with concerned school authorities, Parents-Teachers Association, and security force managers, LGUs and respective barangay force multiplier, among others,” ani PNP Spokesperson Colonel Bernard Banac.

Mag-oorganisa rin ang PNP ng Non-Government Organizations and Civilian Volunteer Organizations upang umalalay sa seguridad, at iba pang pampublikong seguridad na may koordinasyon sa DepEd at LGU.

Nakatakdang ipakalat ng PNP ang nasa 120,000 personnel nito para sa seguridad at kaligtasan sa pagbubukas ng klase sa Lunes.

Inaasahang nasa 29 milyong mag-aaral sa buong bansa ang magbabalik eskuwela para sa sabay-sabay na pagbubukas ng klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

PNA