NAIINTRIGA ang engaged couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina dahil kasama sila sa entourage ni President Rodrigo Duterte sa Japan. Kung anu-ano na ang itinawag at inakusa sa dalawa at pati ang pagpo-post ng photos nina Rodjun at Dianne, gustong supilin ng netizens.

Dianne at Rodjun copy

May nag-comment na sana hindi na sila mag-post ng litrato nila habang nasa Japan sila dahil disgusting daw lalo na at hindi nila pera at pera ng mga Pinoy ang kanilang ginagasta.

Hindi nakatiis si Rodjun at sinagot ang mga nag-comment at sabi nito: “ Hi guys may freedom naman ako to post dahil kami nagbayad ng trip na ‘to. Mali lang, dyina-judge kami ng mga tao. Madaming bansa na kaming napuntahan ni Dianne bukod sa Japan. Ilang beses na rin kami bumalik dito. Salamat. God bless.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nakalulungkot lang na hindi tinanggap ng netizens ang paliwanag ni Rodjun at tuloy ang paniniwala nilang kasama sila sa junket ni Pres. Duterte at taxpayers money ang kanilang ginasta.

Bukod kina Rodjun at Dianne, kasama sa Japan sina Phillip Salvador, Michael Pangilinan, Martin Escudero, Billy James at Bayani Agbayani at ang wife nito.

In fairness kina Rodjun at Dianne, masipag ang dalawa at walang tigil ang trabaho at si Dianne nga, hindi lang host dahil artista rin sa TV at pelikula. December this year ay ikakasal na ang dalawa.

-Nitz Miralles