Toronto Raptors, nakauna sa Warriors sa NBA Finals

TORONTO (AP) – May dating ang Toronto Raptors. At pinatunayan nila ito sa unang sabak sa NBA Finals.

Nagawang maisalba ng Raptors ang ilang ulit na pagtatangka ng Golden State Warriors na maagaw ang momentum tungo sa 118-109 panalo sa Game 1 ng best-of-seven Finals nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Scotiabank Arena.

Kuminang ang opensa ni Pascal Siakam sa natipang playoff career-high 32 puntos mula sa 14- of-17 shooting, walong rebounds, limang assists, dalawang blocks, at isang steal sa 40 minutong paglalaro para pangunahan ang Raptors sa kampanyang makamit ang unang kampeonato -- at mahila ang winning streak sa limang laro sa playoff kabilang ang 4-0 pagsibak sa Milwaukee Bucks sa Game 6 sa Eastern Conference finals.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nag-ambag si Kawhi Leonard ng 23 puntos, walong rebounds, limang assists, at isang steal.

Host muli ang Raptors sa Game Two sa Linggo (Lunes sa Manila).

Nanguna si Steph Curry sa Warriors sa naiskor na 32 puntos – ikapitong sunod na 30 o higit pa sa playoff – limang boards, limang assists, at isang steal, habang naitala ni Draymond Green ang tanging triple-double sa laro -- 10 puntos, 10 rebounds, at 10 assists, ngunit may anim na turnovers.

Nagbalik aksiyon si Demarcus Cousins mula sa natamong injury, ngunit hindi nakatulong sa loob ng walong minutong paglalaro.

Taliwas sa nakasanayang opensa, malamya ang dating ng Warriors at sa unang pagkakataon sa era ng Warriors basketball, naghabol sila sa 1-0 sa title series.

Naitala ng Warriors ang mababang 44 porsiyento sa field goal, at nagtamo ng 17 turnover. Mula noong 1975 finals, naipapanalo ng Warriors ang Game 1 ng title series. Huling nabigo ang Golden State sa Game One ay noong 1967.

Walang pang linaw kung makalalaro na si two- t ime reigning NBA Finals MVP Kevin Durant sa Game 2. Ipinahayag ng Warriors management na hindi pa nakakasama si Surant sa scrimmage at magbabalik askiyon siya kung nasa tamang kondisyon na ang katawan at isipan. Host ang Golden States sa Game 3 at 4.