Mga Laro Ngayon

(Paco Arena)

1:00 n.h. -- Army vs Coast Guard

3:00 n.h. -- Sta. Elena vs PLDT

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

5:00 n.h. -- Cignal vs Rebisco-RP

NAKALUSOT ang Rebisco Philippines sa kanilang five-set thriller kontra Philippine Navy, 23-25, 26-24, 25-15, 21-25, 15-13, nitong Martes sa 2019 Spikers’ Reinforced Conference sa Paco Arena sa Manila.

Umiskor sina Marck Espejo at team captain Johnvic De Guzman tig-26 puntos para pamunuan ang panalo ng Rebisco-Philippines.

“I think ang reason kung bakit umabot ng fifth set ‘yung game kasi slow start kami, ‘di namin agad na-organize ‘yung team, kung paano namin mae-execute ‘yung mga plays namin and ‘yung service receives namin,” pahayag ni De Guzman.

Nanguna sina Greg Dolor at JD Diwa na kapwa umiskor ng tig-16 puntos para sa Sea Lions, bumagsak sa patas na markang 2-2.

Sa iba pang laro, nanaig ang defending champion Philippine Air Force kontra Easytrip-Raimol, 25-17, 25-23, 25-19.

Hataw si Ranran Abdilla sa nasabing panalo sa naiskor na 16 puntos mula sa 10 kills, 2 blocks, at 4 na aces.

“’Yung kalaban namin kanina, hindi namin sila ina-underestimate, kung mapapansin niyo, halos lahat ng first six ay nasa loob. Alam namin competitive din sila eh,” ani Abdilla.

Nagwagi din ang Philippine Army matapos ungusan ang IEM Phoenix Volley Masters, 15-25, 26-24, 25-20, 27-25, 15-13 .

Namuno si PJ Rojas na nagdeliver ng 18 puntos sa naturang panalo ng Troopers.

“Ang kulang talaga namin is blockings, hindi kami maka-block. Naunahan kami nung first set, although ‘yung second set talagang hinabol namin, nanalo kami,” ayon kay Army head coach Rico De Guzman.

-Marivic Awitan