AYAW pang ipaalam ng GMA-7 ang title ng teleserye na tatampukan nina Gabbi Garcia at Thea Tolentino na comeback project din ni Eddie Garcia sa Kapuso Network. Pero may nagsulat ng Rosang Agimat daw ang title ng action series.

Gabbi at Eddie at Thea

Action-drama ang series na sabi nina Thea at Gabbi, 80 percent ay action at 20 percent ay drama. Si Toto Natividad ang magdidirihe nito katulong si Monti Parungao.

Kaya pala nag-aaral ng firing at shooting sina Thea at Gabbi kay Jethro Dionisio na champion shooter, ay dahil naghahanda sila sa pagsabak nila sa action scenes. Nag-post si Gabbi ng litrato niya na nasa shooting range, may hawak na baril at makikitang wala siyang takot at pag-aalinlangan sa paghawak at pagpapaputok ng baril.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Kasama sa cast ng Rosang Agimat sina Jeric Gonzales at Gil Cuerva.

Tama ba ang hula ng Kapuso viewers na si Jeric ang love interest ni Thea at si Gil ang makakapareha ni Gabbi?

Kasama rin sa cast sina Ms. Celia Rodriguez, Roi Vinzon, Tonton Gutierrez, Kristoffer Martin, Aubrey Miles, Victor Neri, Betong Sumaya at Luz Valdez.

Big break ang Rosang Agimat kay Gabbi, ngayon lang siya bibida na title role pa. Kailangang pagbutihin niya ang acting at action scenes para panoorin at subaybayan ng Kapuso viewers ang Rosang Agimat.

-Nitz Miralles