Ikaw na ang pinagpala sa lahat! Ikaw na talaga!

Tumataginting na P210-milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55 ang solong napanalunan ng isang napakasuwerteng nilalang, Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), natsambahan ng masuwerteng mananaya ang kombinasyon na 02-04-06-08-24-01, na may total jackpot na P210,795,849.60.

Nasa 132 naman ang makakakubra ng tig-P12,050 makaraang matayaan ang lima sa mga nabolang numero.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang nitong Mayo 12, solo ring nakuha ng isang mamanaya mula sa Maynila ang mahigit P140-milyon jackpot ng Super Lotto 6/49, habang mahigit P79-milyon jackpot sa Ultra Lotto 6/58 ang tinamaan ng isa pa mula sa Zambales.

Samantala, upang makuha ang premyo, kinakailangang lang na magtungo ng masuwerteng mamanaya sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City, at magprisinta ng dalawang valid IDs—at siyempre, ang kanyang winning ticket.

Jel Santos