CEBU CITY – Dalawang sunog na bangkay ng tao ang nadiskubre sa Tuburan, northern Cebu, ngayong Martes.

BANGKAY_ONLINE

Sinunog ang dalawang katao sa puntong hindi na makilala ang mga ito gayundin ang kanilang seksuwalidad, ayon kay Police Lt. Col. Ismael Gauna, hepe ng Tuburan Police Station.

Aniya, sa ganap na 6:00 ng umaga ngayong Martes, nakatanggap sila ng ulat hinggil sa dalawang sunog na bangkay na natagpuan sa isang bakanteng lote sa Barangay Putat.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

“It is possible that they were killed somewhere else but the bodies were just thrown and burned in the area where they were found,” ani Gaunsa.

Aniya, upang matukoy ang mga biktima, magsasagawa ng DNA test kung mayroong susulpot upang kunin ang mga bangkay.

-Calvin D. Cordova