PAGKALIPAS ng ilang buwang pananahimik simula nu’ng dumating sa bansa si Julia Montes galing sa mahabang bakasyon sa Germany, para makasama ang biological father nitong si Martin Schnittka at pamilya nito, ay hindi pa nagpaparamdam ang aktres.

julia

Pero nitong Sabado nang gabi ay nag-post si Julia sa kanyang Instagram ng logo ng ABS-CBN na nagdiriwang ngayon ng 65th anniversary.

Ang caption ni Julia, “Maraming salamat po sa istasyong patuloy na tapat nagseserbisyo at nagpapasya sa ating mga Kapamilya saan ma’ng sulok ng mundo. Salamat din po na sa 65 years ay isa po ako sa binuo n’yo ang mga pangarap. Maraming salamat sa lahat ng oportunidad na ibinigay ninyo sa akin para mapakita ang konti pong kakayahan kong binigay ng Diyos. Salamat pong muli KAPAMILYA.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang huling post ni Julia sa IG ay noong Marso 11 pa, na pagbati sa kaarawan ng nasirang Chokoleit. At dito ikinuwento ng aktres na Mara Clara days pa lang ay magkaibigan na sila ng nasabing komedyante.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring naririnig mula kay Julia tungkol sa umano’y panganganak niya kung totoo ito at kung sino ang ama, siyempre.

Anyway, prerogative naman niya kung gusto niyang manahimik at maging ang Cornerstone management na nangangasiwa ng karera ni Julia ay wala ring alam.

“Walang sinasabi sa amin si Julia kaya hindi kami nagtatanong. Hihintayin na lang siguro namin ang tamang panahon,” pahayag ng handler ng aktres na si Mac Merla.

-REGGEE BONOAN