MAINIT ang simula ng home team Taguig na nabigong sabayan ng dumayong Manila-INGCO, na nagresulta sa 123-74, lopsided na panalo sa Metro League Reinforced (Second) Conference nitong Martes ng gabi sa Hagonoy Sports Complex sa Taguig City

Bunga ng panalo nakamit din ng Taguig ang playoff incentive makaraang umangat sa kartadang 6-2 sa South Division.

Nakakatiyak na ng playoff berth, rumatsada ang Generals at nagtala ng 33-3 sa pangunguna Jonathan Uyloan at import Emmanuel Ojuola patungo sa magaang panalo na sumelyo ng kanilang pag-upo sa second spot na may twice-to-beat incentive patungo sa semis kasama ng league-leader Bacoor (7-0).

Tumapos si Uyloan na may game-high 24 puntos, 6 assists at 2 rebounds habang nagdagdag naman si Ojuola ng 22-puntos at 10 rebounds.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Nanguna naman si Carlo Lastimosa na may 21 puntos para sa Manila na bumagsak sa markang 3-4 sa North Division na suportado rin ng Synergy 88, World Balance, Excellent Noodles at San Miguel Corporation.

Nauna rito, dinurog ng Valenzuela-San Marino sa pamumuno ni Nikki Monteclaro ang Solid San Juan 112-88 upang umangat sa solong ikatlong puwesto ng North Division ng kigabg ito na suportado ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine Basketball Association (PBA) at Barangay 143.

Umiskor si Monteclaro ng 27 puntos na tinampukan ng 7 triples sa loob lamang ng 15 minuto upangtulungan ang Valenzuela na tumaas sa patas na markang 3-3 at palakasin ang kanilang playoff sa liga na suportado rin ng SMS Global Technologies, Inc. bilang official livestream and technology partner, Spalding bilang official ball, Team Rebel Sports bilang official outfitter, PLDT bilang official internet service provider at Manila Bulletin bilang media partner.

Tumapos din si Reneford Ruaya na may double-double 17 puntos at 12 rebounds, kasunod si Jeric Diego na may 14 markers at Gianne Paulo Rivera na may 11 puntos sa lopsided na panalo ng Valenzuela.

Nauwi naman sa wala ang 24 puntos at 18 rebounds ni Raymund Miller dahil bumagsak ang Solid San Juan sa markang 2-6 sa South Division.

-Marivic Awitan

Iskor:

(Unang Laro)

Valenzuela-San Marino (112) – Monteclaro 27, Ruaya 17, Diego 14, Rivera 11, Esplana 8, Natividad 7, Kalaw 6, Sta. Maria 6, Pascua 5, Dela Cruz 4, Tayongtong 4, Dulalia 3, Gamboa 0

Solid San Juan-PC Gilmore (88) – Miller 24, Castro 15, Saret 15, Astrero 10, Dada 5, Jacunap 5, Matias 5, Abanes 4, Ejercito 4, Elarmo 1, Clarianes 0

Quarterscores: 34-19, 60-44, 83-67, 112-88

Taguig (123) – Uyloan 24, Ojuola 22, Mayo 14, Sampurna 10, Gilbero 9, Rublico 8, Lontoc 7, Monte 7, Orodio 7, Gozum 6, Oliveria 5, Guiyab 4, Alcantara 0, Caduada 0, Subrabas 0

Manila-INGCO (74 )– Lastimosa 21, Laude 16, Camacho 10, Alban 8, Manalo 8, Celada 5, Acosta 2, Arafat 2, Matias 2, Acibar 0, Castro 0, Mendoza 0, Orquina 0, Yu 0

Quarterscores: 45-17, 83-45, 103-57, 123-74