MAHIGPIT na isinusulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagbabawal sa pag-ere ng kanta ni Shantie Dope na Amatz, dahil ipino-promote umano nito ang paggamit ng illegal drugs.

Sa isinumiteng liham nitong May 20, nag-request si PDEA Director General Aaron N. Aquino sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM), at sa ABS-CBN Corporation na ipagbawal ang pag-ere ng Amatz at promosyon nito sa iba’t ibang media station sa buong bansa.

Dismayado sa mensahe ng kanta, ipinaliwanag ng PDEA na ang chorus ng kanta ay halos tungkol sa “Lakas ng amats ko, sobrang natural, walang halong kemikal”.

Binanggit din ni Aquino ang lirikong, “Ito hinangad ko; lipadin ay mataas pa sa kayang ipadama sayo ng gramo, ‘di bale ng musika ikamatay,” ani Aquino.

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>

Iginiit niyang ang liriko ng kanta ay halatang pagpo-promote ng paghithit ng marijuana.

“It appears that the singer was referring to the high effect of marijuana, being in its natural/organic state and not altered by any chemical compound,” sabi ni Aquino.

Kasabay ng kanyang pagrespeto sa mga artist at mga henyo sa industriya ng musika, maigting namang tinututulan ni Aquino ang pagpo-promote ng mga “musical pieces or songs that encourage the recreational use of drugs like marijuana and shabu”.

Giit pa niya, it runs “contrary to our fight against illegal drugs”.

Ipinagdiinan din ng PDEA chief na ang pag-ere ng kanta na tampok ang paggamit ng illegal drugs ay maaaring makaimpluwensiya sa mga kabataan, at ituring na ayos lang gumamit ng ilegal na droga.

“This runs contrary to Duterte’s administration crusade against illegal drugs,” sabi pa niya.

Inirekomenda rin ng PDEA na huwag iere ang mga kantang may kahalintulad na uri sa mga media station

-CHITO A. CHAVEZ