Magsasampa ng kaso sina Vice President Leni Robredo, Senator Antonio Trillanes IV at Opposition solon, Magdalo Party-List Rep. Gary Alejano laban kay Peter Joemel Advincula, na nagsangkot sa kanila at sa Liberal Party (LP) bilang mga utak sa "Ang Totoong Narco List" videos.

KASO_ONLINE

Kinumpirma ito nina Robredo, Trillanes at Alejano, kasabay ng pagtuligsa sa akusasyon ni Advincula.

"Ako, papaaral natin sa mga abogado," ani Robredo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"I deny the allegations made by this Bikoy character. This could be another ploy of the administration to harass the opposition," sinabi ni Trillanes sa isang pahayag.

"For now, I will be consulting with my lawyers so that we could also file the appropriate charges against him," dagdag niya.

"I categorically deny the allegations of Bikoy. I do not know him and have never met him," sambit naman ni Alejano.

"The Otso Diretso did not meet Bikoy ever. His claim that the Otso Diretso is planning to bring down the administration to have VP Leni [Robredo] sit as president is a lie," wika niya.

"I will consult with the Magdalo group, Otso Diretso members, and my lawyers regarding the apppropriate legal actions that I could take against Bikoy," diin ni Alejano.

IMBESTIGAHAN SI 'BIKOY' —PAOLO DUTERTE

Naniniwala si congressman-elect Paolo Duterte na kailangan nang magkaroon ng proper investigation kaugnay ng panibagong rebelasyon ni Advincula.

Ito, ayon kay Paolo, ay dahil mas maraming pangalan na ang sangkot sa isyu.

SCAM LANG — SARA DUTERTE

Sa panig naman ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, si Advincula ay "scam", na nilikha ng mga taong tutol sa administrasyong Duterte.

Ayon pa kay Mayor Duterte, ang grupong ito ay disorganize dahil sa simula pa lamang ay hindi na "maka-first base" sa tinatangka nilang direksiyon.

Dagdag niya, kung siya ang leader ng nasabing grupo ay babarilin na lang niya ang sarili, partikular sa ulo, para mawala na ang utak na walang silbi.

SI LORD NA ANG BAHALA —HONEYLET

"Si Lord na ang bahala sa kanya."

Ito ang pahayag ng partner ni Pangulong Duterte na si Honeylet Avancena kaugnay ng apela ni Advincula na sana ay patawarin siya ni Pangulong Duterte at pamilya.

Peter Joemel Advincula, alias ‘’Bikoy,’’ suffers from a serious credibility problem that he must overcome if he wants to be believed this time, Senator Panfilo M. Lacson said yesterday.

‘’He can only do it by presenting solid and substantial proof of his alleged meetings and regular communications with the people that he is now turning the tables on,’’ Lacson, a former Philippine National Police (PNP) chief, said.

MAGHAIN SIYA NG EBIDENSIYA—LACSON

Dumaranas si Advincula ng credibility problem na kailangan niyang lampasan kung nais niyang paniwalaan siya ngayon, ayon kay Senator Panfilo M. Lacson.

"He can only do it by presenting solid and substantial proof of his alleged meetings and regular communications with the people that he is now turning the tables on," pahayag ni Lacson.

-Raymond F. Antonio, Vanne Elaine P. Terrazola, Ellson A. Quismorio, Beth Camia, Mario B. Casayuran, at Leonel M. Abasola