Upang hindi panghinaan ng loob ang mga nagboboluntaryo sa Brigada Eskwela, umapela ang grupo ng mga guro sa Department of Education (DepEd) na huwag na itong gawing “contest” ng mga paaralan.

BRIGADA_ONLINE

Pahayag ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC), sinusuportahan nila ang implementasyon ng taunang pagsasaayos ng mga pasilidad sa paaralan, ngunit dapat umanong muling pag-isipan ng DepEd ang paglikha ng kumpetisyon mula rito.

“Kung tunay na bolunterismo, hindi na kailangang gawing paligsahan ang Brigada Eskwela,” lahad ng TDC, sa inilabas na pahayag. Iprinisinta rin ng grupo ang mga report na may mga eskuwelahang ginawang “requirement” sa mga magulang ang pagtulong sa Brigada Eskwela para makapag-enroll ang kanilang mga anak sa susunod na pasukan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“May mga ilang kaso na rin na naiulat sa amin na ginagawang rekisito sa enrolment o nagiging sapilitan ang partispasyon ng mga magulang sa Brigada Eskwela,” anang TDC. “Marahil, isa sa mga dahilan nito ay sapagkat ginagawang paligsahan ang implemenstasyon ng Brigada Eskwela sa mga paaralan at binibigyan pa ito ng parangal mula sa antas dibisyon hanggang pampamsang antas.”

Upang maggawad ng “due recognition” sa mga paaralang nagpamalas ng “exemplary” efforts sa Brigada Eskwela, dapat umanong lumikha ang DepEd ng “Brigada Eskwela Best Implementing Schools” award para sa iba’t ibang katergoryang ang kalahok ay mga elemertarya at sekondaryang paaralan.

Ngayong taon, nagsimula ang Brigada Eskwela program at caravan sa Alfonso Central School sa Cavite. Ipinaliwanag ng mga opisyal ng DepEd na ang pangunahing rason kung bakit napili ang nabanggit na eskuwelahan na pagdausan ng event ay dahil isa ito sa mga ginawaran ng Brigada Eskwela Best Implementing Schools sa Region IV-A, Large School Category noong 2018.

Batay sa 2019 Brigada Eskwela Implementing Guidelines na nakasaad sa DepEd Memo No. 36 s. of 2019, ang “Brigada Eskwela Best Implementing Schools” ay kinategorya sa Small; Medium; Large at Mega para sa elementary at secondary level. Ang mga magwawagi ay pipiliin batay sa saklaw ng nagawa; pagkakaiba ng mga nagsitulong; generated resources; alinsunod sa tema ng Brigada Eskwela ngayong taon; pagkamalikhain at pagbabago; at dami ng resources at volunteers.

-Ina Hernando-Malipot