NAGPAHAYAG ng separation anxiety o sepanx si Sharon Cuneta sa nalalapit na paglipad patungong New York ng anak nila ni Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan.

Sharon at Frankie

“Graduating from high school soon. Then we take her to her dream school and help her move into her dorm in New York in August. How did this happen? Why so fast?! Oh my Baba... Mama will miss you every single day, but I am so very proud of you! I love you with all my heart.

“ You are golden , @frankiepangilinan (How am I gonna eat when I’m home with the family— and seeing your empty seat beside me?! Waaaah! I can’t! Magaling naman ang U.P. at Ateneo at La Salle anak. Huhuhu! Stay na lang kaya? Kundi titira ako d’yan! ‘Di naman papayag si Yellis ‘di siya kasama. Si Gugie din baby pa. Iwan si Dad dito, d’yan na kami?! Hahaha! Babaaaa! No! No! No! I will sabunot myself!”

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Kahit sinabi ng isang netizen na adult na si Frankie, sabi pa rin ni Sharon, kailangan ng band aid ng puso niya. Hindi raw niya ma-imagine ang sarili niya ‘pag umalis na si Frankie.

Hindi lang sinagot ng diretso ni Sharon ang tanong ng isa niyang follower kung sa New York University mag-aaral si Frankie. “Somewhere else” lang ang sagot niya tungkol sa school na kukuhanan ni Frankie ng Literature.

Balak ding mag-aral sa ibang bansa ni Miel, kaya sabi ni Sharon, “As Ate Kakie graduates from High School, this one, my Bunny Yellis, graduates from Middle School. Which means only one thing: When Kakie comes home after college, it’ll be Yellie’s turn to leave, oh just kill me now!”

Maaalalang nag-aral sa Paris si KC Concepcion at ilang taon din siya roon, ngayon naman si Frankie ay sa New York mag-aaral. Bukod kay Miel, mag-aaral din tiyak sa ibang bansa ang bunso nilang si Miguel, kaya hirit niyang sabi, “Waaaahhh Tina (KC) get married and gimme a grandchild already!”

-NITZ MIRALLES