SINGAPORE – Isa pang hindi malilimot na sagupaan ang naisagawa ng ONE Championship sa ginanap na ONE:Enter The Dragon nitong Sabado sa Singapore Indoor Stadium.

Sa main event, nakamit ni Christian “The Warrior” Lee ng Singapore ang ONE Lightweight World Championship sa impresibong technical knockout victory kontra sa matikas na si Shinya “Tobikan Judan” Aoki ng Japan, sapat para tanghaling pinakabatang male mixed martial arts World Champion sa kasaysayan.

Sa co-main event, tinanghal na ONE Lightweight Kickboxing World Champion si Regian “The Immortal” Eersel ng The Netherlands nang magwagi via unanimous decision kontra sa kababayang si Nieky “The Natural” Holzken.

Sa supporting bout, matagumpay ang pagbabalik ni dating ONE Flyweight World Champion Geje “Gravity” Eustaquio ng Team Lakay nang gapiin ang bagitong si Kim Kyu Sung ng Soputh Korea via unanimous decision para makasungkit ng spot sa ONE Flyweight World Grand Prix.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!