3-0 para sa Warriors

PORTLAND, Or e . (AP) - Pinatunayan ng Golden State Warriors na hindi sa iisang manlalaro lamang nakasalalay ang kanilang panalo, matapos na kunin ang ikatlong panalo kontra Portland Trail Blazers 110-99 sa pag-usad ng Game 3 ng Western Conference Finals ng National Basketball Association (NBA) kahapon (Linggo ng umaga sa Manila, Sabado ng gabi sa US).

GSW PA RIN! Matibay ang kapit ni Golden State Warriors player Draymond Green sa bola habang buong tikas na hinarangan ni Portland Trail Blazers player Meyers Leonard sa Game 3 ng Western Conference Finals ng National Basketball Association, kahapon.

GSW PA RIN! Matibay ang kapit ni Golden State Warriors player Draymond Green sa bola habang buong tikas na hinarangan ni Portland Trail Blazers player Meyers Leonard sa Game 3 ng Western Conference Finals ng National Basketball Association, kahapon.

Iniangat ni Draymond Green ang Warriors sa kanyang natipon na 20 puntos 13 rebounds at 12 assists, na nagmarka ng kanyang seventh career postseason triple-double, habang ang kanilang mainman na si Stephen Curry ay tumipa naman ng 36 points.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tangan ng Portland ang kalamangan sa halftime sa kanilang naitalang 66-53 bentahe ngunit isang 13-0 run ang itinakbo ng GSW upang agawin ang 82-79 kalamangan sa mga huling sandali ng third quarter.

Siniguro naman ng jumper ni Jonas Jerebko ang kalamangan ng Warriors sa 90-82 bentahe sa huling 7:26 ng laro.

Mas lalo pang ginanahan ang defending champion na Warriors nang ihagis ni Curry ang kanyang 3-pointer na naglagay sa 98-87 kalamangan, wala nang limang minuto.

Buhat dito ay hindi na muling nakadikit pa ang Portland na nalugmok sa kanilang 0-3 record para sa nasabing Playoff, kung saan mismong sa kanilang homecourt pa nabigong manalo.

Gayunman, nakapagtala ng kanyang 23 puntos si CJ McCollum para sa Trail Blazers, na nakuhang lumamang ng 18 puntos sa second quarter, habang si Damian Lillard naman ay nag-ambag ng 19 points, ngunit sadyang kinapos sa mga huling yugto ng labanan.

Mananatili sa bahay ng Trail Blazer ang laro para sa Game 4 nang nasabing serye, na magaganap sa Lunes ng gabi sa Amerika, Martes ng umaga sa Pilipinas.