Pinauuwi na ng pamahalaan ang mga diplomatic official nito sa Canada kasunod ng pagkabigo ng isang Canadian company na masunod ang deadline para hakutin ang 69 container van ng basurang nasa Pilipinas pabalik sa kanilang bansa.

(PRESIDENTIAL PHOTOS)

(PRESIDENTIAL PHOTOS)

“At midnight last night, letters for the recall of our ambassador and consuls to Canada went out. They are expected here in a day or so. Canada missed the May 15 deadline. And we shall maintain a diminished diplomatic presence in Canada until its garbage is ship bound there,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin, Jr.

Gayunman, tumangging magbigay ng pahayag sa usapin ang Canadian Embassy sa bansa at sa halip, ipinasa nito ang mga katanungan ng mga mamamahayag sa kanilang home office sa Ottawa.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Ikinatwiran ni Locsin, hindi sinipot ng mga kinatawan ng Canada ang isang pagpupulong, kasama ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) upang matalakay sana ang pagresolba sa usapin.

“That the government may consider a 2 to 3 weeks delay DOES NOT EXTEND THE DEADLINE. Our diplomatic presence in Canada shall be de minimis. At the Japanese enthronement ceremony, DOF (Department of Finance) told me that Canada did not show up at a meeting with Customs and that was the trigger,” ang bahagi ng Tweet post ni Locsin.

Sinisi rin ng kalihim ang mga kasamahang opisyal na nagnanais na mapanatili ang magandang ugnayan sa Canada kahit sumusuway ang mga ito sa kautusan ng pangulo kaugnay ng naturang kontrobersiya.

“And finally, to the officials who want me to go easy on the Canadian garbage issue in defiance of Duterte’s orders, this: Remember that Canada has facial recognition tech at its borders and the ugly will not be admitted however avid they are to emigrate,” sabi ni Locsin.

Tumanggi rin si Locsin na pangalanan ang tinutukoy niyang mga opisyal.

Kaugnay nito, pinag-aaralan na ng gobyerno kung may parusang ipapataw sa Canada government kaugnay ng usapin.

Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, posibleng nagkaroon lamang ng kaunting aberya kaya hindi natuloy ang sana ay pagkuha ng Canada sa kanilang mga basurang nakatambak sa bansa.

"Ang sabi ng DFA noon, na baka, there might be a slight of delay because of a certain documentation, pero konting panahon lang naman ng delay. What is more important is they were take back their waste, reasonable naman siguro one, two or three weeks, basta ang importante ay kunin na nila," pagtitiyak ni Panelo.

Wala aniyang gagastusin ang pamahalaan sa pagbabalik ng basura ng Canada sa kanilang bansa.

Posible pa aniyang magkaroon ng penalties kapag nakitaan pa sila ng kapabayaan.

"Dapat bayaran lahat nila 'yon, basta lahat ng penalties, itatapon natin sa kanila," giit pa ni Panelo.

Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng Malacañang kung may sanction o parusang ipapataw sa Canada nang hindi sumunod sa palugit na Mayo 15 para sa paghahakot sa nabanggit na basura.

-Roy Mabasa at Beth Camia