Patuloy sa pagkapit sina reelectionist Senators Nancy Binay at Paolo "Bam" Aquino sa huling puwesto sa Top 12 senatorial candidates, na pinamumunuan ng Hugpong ng Pagbabago ng administrasyon.

BINAY, AQUINO_ONLINE

Base sa canvassing ng National Board of Canvassers (NBOC) sa Philippine International Convention Center (PICC), sina Binay at Aquino ay nasa ika-11 at ika-12 puwesto.

Hanggang nitong Martes ng gabi, nasa 34 na certificates of canvass (COC) ang na-canvass ng NBOC.

Sa inisyal na canvassing, si Binay ay nakakuha ng 2,366,035, habang si Aquino ay 2,335,724.

National

SILG Remulla, nakipag-areglo na sa lalaking hubad na natiketan sa Mandaluyong

Lumalaban din si reelectionist Senator Joseph Victor “JV” Ejercito, na tumatakbo sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago, sa ika-13 puwesto sa botong 2,292,264.