Matapos ang 2019 midterm elections, nakatanggap ang Department of Education (DepEd) ng mahigit 900 report hinggil sa mga napinsalang pasilidad ng mga paaralan, na ginamit bilang poll centers.
Ayon kay DepEd Undersecretary for Administration and Election Task Force (ETF) Monitoring Chairperson Alain Del Pascua, sa briefing hinggil sa 2019 midterm polls ay nasa kabuuang 949 na report ang natanggap ng task force hinggil sa isyu.
Ayon kay Pascua, umani ang ETF Central Command Center – na naka-set up sa Bulwagan ng Karunungan sa DepEd Central Office sa Pasig City, ng 131,526 na report nitong Martes.
Sa naturang bilang, 131,222 report ang ipinadala sa DepEd Election Monitoring App, na ginamit ng departamento para masubaybayan ang eleksiyon.
-Merlina Hernando-Malipot