Inanunsiyo kamakailan ng Guinness world records na matagumpay na naagaw ng isang Jewish group sa South Africa  ang record para sa “world's tallest stack of doughnuts.”

Doughnuts

Sa ulat ng United Press International, matapos ang masusing deliberasyon, kinilala ng Guinness ang Jewish Life Center sa Johannesburg para sa naitalang record ng grupo sa kanilang 59.8 59.84-inch stack, kung saan kinailangang gumamit ng 3,1000 doughnuts.

Ayon sa mga organizer kinailangang gumamit ng grupo ng iba’t ibang software products upang matiyak ang structural integrity ng tore kaya naman kumonsulta pa ang grupo sa structural engineer at architect upang masiguro na hindi guguho ang doughtnut tower.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Samantala idinonate naman ang mga ginamit na doughnuts sa charities para sa mga Jews.