Ni Annie Abad
ANG makilala sa buong mundo ang Pilipinas, para sa eSports ang siyang target ng Esports World Federation (ESWF) lalo na ngayong nalalapit na ang 30th Southeast Asian Games.
Ito ang nais maisakatuparan ng kasalukuyang namumuno ng nasabing samahan sa pangunguna ng presidente nito na si Arniel Gutierrez.
Sinabi ni Gutierrez na naatasan ang nasabing grupo na siyang bahala sa paglahok ng mga atleta nito sa ga international competitions kabilang na ang paggawa ng events para sa nalalapit na biennial meet.
Layunin umano ng ESWF na na mapalawig pa ang eSports sa loob at labas ng bansa at makilala bilang amateur sport at mapasama rin sa Olmpiyada.
Bukod sa pagkakabilang sa isa sa 56 sports at 523 events na lalaruin sa nalalapit na 11-nation meet sa Nbyembre 30 hanggang Disyembre 10, magiging host din ang ESWF para sa eSports World Cup sa susunod na taon.
“We believe that our goal and efforts toward making eSports into an internationally recognized sport and discipline may be in line with the current requirements of Philippine sports,” ani Gutierrez.