NAGPOSTE ang playoff-bound Bacoor Strike sa Serbisyo ng 93-85 overtime na panalo kontra Valenzuela upang manatiling walang talo at makopo ang isa sa top two spots sa South Division of the Metro League Reinforced (Second) Conference noong Huwebes ng gabi sa Hagonoy Sports Complex sa Taguig City.

Naitabla ng Strikers ang laban at inihatid sa overtime sa pamamagitan ng buzzer-beater layup ni Mark Montuano sa iskor na 80-all.

Paolo Castro ng Bacoor Strike (Metro League photo)
Paolo Castro ng Bacoor Strike (Metro League photo)

Mula doon nagsanib puwersa sina Montuano, Mark Doligon at Paolo Castro para makamit ang panalo at makumpleto ang pagbangon mula sa 15-puntos na pagkakaiwan sa third canto kontra All Filipino conference champion Valenzuela.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tumapos si Montuano na may 23 puntos at 9 rebounds para sa Strikers na tumaas sa malinis na markang 7-0 na sumelyo sa isa sa twice-to-beat incentive para sa South Division patungo sa quarterfinals ng ligang ito na suportado ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine Basketball Association (PBA) at Barangay 143 bilang league presentor.

Sinundan sya nina Doligon at Castro na may 21 at 20 puntos ayon sa pagkakasunod.

Nag step-up din si King Descamento na nagtala ng all-around game na 11 puntos, 11 boards, 3 assists, 2 steals at 3 blocks para sa Bacoor.

Sa kabilang dako, nanguna naman si Erwin Sta. Maria na umiskor ng 20 puntos at 4 rebounds para sa Workhorses na bumaba sa markang 2-3 sa North Division ng ligang ito na suportado din ng SMS Global Technologies, Inc. bilang official livestream and technology partner, Spalding bilang official ball, Team Rebel Sports bilang official outfitter, PLDT bilang official internet provider at Manila Bulletin bilang media partner.

Sa isa pang laban, tinalo ng home team Generals ang Pasigueño, 86-54 upang sumunod sa Bacoor palapit sa playoffs ng liga na itinataguyod ng Synergy 88, World Balance, Excellent Noodles at San Miguel Corporation taglay ang markang 5-2.

Bunga ng kabiguan, lumamlam ang tsansa ng Pasigueño sa playoff matapos malaglag sa kartadang 1-5.

Iskor: (Unang Laro)

Bacoor Strike sa Serbisyo (93) -- Montuano 23. Doligon 21, Castro 20, Descamento 11, Ochea 7, Malabag 5, Acuna 2, Miranda 2, Pangilinan 2, Maligon 0

Valenzuela-San Marino (85) -- Sta. Maria 20, Esplana 12, Tayongtong 11, Ruaya 9, Natividad 7, Dedicatoria 5, Monteclaro 5, Pascua 4, Laminou 4, Dela Cruz 4, Kalaw 2, Diego 2, Dulalia 0,

Quarterscores: 19-24, 38-41, 51-63, 80-80, 93-85

(Ikalawang Laro)

Taguig (86) -- Ojuola 27, Gilbero 14, Mayo 10, Uyloan 6, Guiyab 0, Alcantara 5, Lontoc 4, Rublico 4, Caduada 2, Orodio 2, Oliveria 2, Subrabas 2, Sampurna 2, Gozum 0

Pasig (54) -- Okwuchukwu 20, Gatchalian 9, Sorela 8, Caranguian 7, Chavenia 6, Medina 4, Gaco 0, Gallano 0, Doroteo 0, Rodriguez 0,

Quarterscores: 28-18, 47-27, 67-41, 86-54