KAHIT nasa bahay pa lamang ang mommy ng second baby nila ni Dingdong Dantes, tutok pa rin si Marian Rivera Dantes sa mga charity works niya. Kaya sa pagsi-celebrate ng Mother’s Day sa Sunday, May 12, ay may pa-charity work pa rin siya. Ipinaalam niya ito sa pamamagitan ng kanyang Instagram post: “Bilang ina, lubos na nagpapasaya sa akin na makita ang mga ngiti ng aking dalawang anak. Gusto kong maramdaman din ito ng kapwa kong ina.

Marian copy

“Kaya naman ngayong Mother’s Day, kasama ang proudly-pinoy brand @aurochocolate, inihahandog namin ang Flora Vida x Auro Chocolate bar sa inyo sa halagang P250. Lahat ng kikitain mula rito ay mapupunta sa favorite charity ko.

“Help us give the gift of smile to another mother and her child this Mother’s Day! @floravidabymarian. Visit www. floravidabymarian.com to place your order.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nagpasalamat na rin si Marian sa lahat ng patuloy na tumatangkilik s a k a n y a n g @ floravidabymarian, na bukas na muli for orders and deliveries. Bago niya isinilang ang baby boy nilang si Jose Sixto Gracia Dantes, ay tumanggap pa rin ng orders ang office niya, ngunit hindi kaagad naasikaso ang deliveries. Ngayong puwede na siyang personal na mag-ayos ng mga flowers para sa kanilang Mother’s Day Collection, ready nang muli ang deliveries nila.

Bati pa rin ni Marian sa mga nanay: “#TeQuieroMama”

Mula sa Balita, “Happy Mother’s Day sa lahat ng mga nanay sa Sunday, May 12.”

-Nora V. Calderon