ISA pang puring-puri ng mga nanonood ng The General’s Daughter ay ang aktor na si Arjo Atayde dahil sa napakahusay nitong pagganap bilang si Elai na isang autistic.

Arjo

“Hi ndi mada l i a n g acting ni Arjo, huh. Napaka-subtle ng kilos niya, hindi siya nagwawala nang husto, controlled ang acting niya at ‘yung mannerisms niya, facial expression, ang husay,” ito ang pahayag ng veteran actor na naka-tsikahan namin.

Gustung-gusto rin ng ibang manonood kapag eksena na nina Arjo at Angel Locsin isama pa si Ms Maricel Soriano dahil, “silang tatlo palang busog ka na sa galing, e, isama mo pa sina Eula (Valdez), Tirso (Cruz III), Albert (Martinez), Janice (de Belen) kapag nagbabangayan na silang apat, ‘di ba natural?”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Okay din si Paulo Avelino na lihim na mahal si Angel kaya hindi niya ito pinahihirapan kahit nabubugbog na siya nito.

Going back to Arjo ay natawa ang mga nakapanood ng eksenang gusto niyang sumali sa naglalaro ng pusoy dahil tiyak na mananalo siya at ang hiningi niyang bayad ay pauwiin na siya dahil hinihintay na siya ng nanang niyang si Maricel.

Anyway, nominadong best supporting actor si Arjo sa Gawad Urian para sa pelikulang Buy Bust at gaganapin ang awards night sa Hunyo 18, UP Film Center.

-REGGEE BONOAN