Inihayag na ng Duke at Duchess of Sussex ang pangalan ng kanilang panganay: Archie Harrison Mountbatten-Windsor.

Prince Philip, Prince Harry, Queen Elizabeth, Doria Ragland, Meghan Markle, at Master Archie

Prince Philip, Prince Harry, Queen Elizabeth, Doria Ragland, Meghan Markle, at Master Archie

Ipinost ito ng mag-asawang Prince Harry at Meghan sa kanilang Instagram page, kasama ang black and white na litrato ng sanggol habang tuwang-tuwang pinagmamasdan nina Queen Elizabeth II at Prince Philip, Duke of Edinburgh, iniulat ng The Telegraph.

Katabi rin ni Meghan ang kanyang ina, si Doria Ragland, habang masuyong karga ang sanggol.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Ang middle name ng sanggol, ang Harrison, ay pinaniniwalaang tumutukoy sa kanyang ama o bilang “son of Harry”, habang pareho namang gusto ng mag-asawa ang pangalang Archie.

Sa pagtawag sa kanilang anak na Archie Harrison Mountbatten-Windsor, malinaw na ipinayag ng Duke at Duchess na hindi sila gagamit ng royal title para sa kanilang anak.

Maaaring tawagin ang bagong royal baby na Earl of Dumbarton—isa sa mga subsidiary titles ni Prince Harry—o Lord Archie Mountbatten-Windsor, pero sa halip, pinili ng mag-asawa na tawagin itong Master Archie Mountbatten-Windsor, ayon sa The Telegraph.

Nitong Miyerkules ng gabi, sa Windsor Castle, unang ipinakita ng mag-asawa ang kanilang panganay.

Inilarawan ni Meghan ang anak na mayroong “sweetest temperament”, habang tinawag naman siya ni Harry na “our own little bundle of joy”.

Isinilang si Archie nitong Lunes, Mayo 6, bandang 5:26 ng umaga, at may bigat na 7lb 3oz.