LABIS ang pasasalamat ng GMA primetime Telebabad sa mga netizens na gabi-gabing sumusubaybay sa kanilang mga teleserye, kabilang ang Kara Mia, Sahaya, Love You Two, kahit ang late time slot na Lakorn, ang The Crown Princess.

Angel at Bianca

Aminado naman ang GMA na mas mataas pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano laban sa Kara Mia, pero tumataas din ang rating ng serye ng kambal na sina Kara (Barbie Forteza) at Mia (Mika dela Cruz), at hindi napag-iiwanan ng action serye ni Coco Martin.

Totoo kayang apektado na ang rating ng Ang Probinsyano dahil sinasawaan na ng viewers at netizens ang pare-parehong eksena at pinahaba na ang istorya na serye sa loob ng almost four years? O puwede ring turned off na ang viewers dahil sa naglalabasang negative comments sa social media tungkol sa kinakaharap na isyu ni Coco?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang very sweet pero palaban namang si Bianca Umali sa Sahaya ay type na type din ng mga netizens, lalo na ngayong lumalaban na siya sa mga nangyayari sa buhay niya at ng kanyang pamilyang Badjao.

Comment ng mga netizens, kayang-kayang tapatan ni Bianca ang acting ni Angel Locsin sa The General’s Daughter kaya ilang gabi nang wagi ang Kapuso serye sa ratings game ng AGB Nielsen. Iba na rin ang dating nina Miguel Tanfelix as Ahmad at Migo Adecer as Jordan, na siguradong pag-aawayan si Sahaya.

Lagi namang good vibes ang hatid ng Love You Two nina Gabby Concepcion, Jennylyn Mercado, Shaira Diaz, Jerald Napoles, at Kiray, na waging-wagi sa ratings laban sa Sino Ang May Sala? Mea Culpa. Sabi nga, matutulog kang nakangiti kapag sinusubaybayan mo ang parang aso’t pusa scenes nina Raffy (Jen) at Jake (Gabby), pero pasasaan ba at magiging sweet na sila sa isa’t isa.

At ang Lakorn na The Crown Princess, hahanga ka sa action scenes na ginagawa ni Princess Alice at ng kanyang chief guard na si Dawin, bukod pa sa very good looking sila pareho.

Happy viewing sa mga Kapuso na gabi-gabing nagte-Telebabad after ng 24 Oras.

-Nora V. Calderon