Nag-isyu ngayong Miyerkules ang Anegeles City court ng hold departure order (HDO) laban kay Police Superintendent Rafael Dumlao, na nahaharap sa kaso kaugnay ng pagpatay sa Korean na si Jee Ick-Joo noong 2016.

JOO_ONLINE

Ito ang kinumpirma ni Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, na isa sa mga government lawyers na may hawak sa naturang kaso.

"I confirm that the HDO against Dumlao was received by our office today (May 8)," ayon kay Nevara.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nag-isyu si Judge Irin Zenaida Buan, ng Angeles City Regional Trial Court (RTC) Branch 56, ng HDO nang maghain ang government prosecutors ng mosyon para sa pag-iisyu ng HDO nitong Lunes.

-Jeffrey G. Damicog