Houston Rockets, muling nanaig sa GS Warriors, serye naitabla sa 2-2

HOUSTON (AFP) — Naisalba ng Rockets ang matikas na paghahabol ng Golden State Warriors para maitakas ang 112-108 panalo nitong Lunes (Martes sa Manila) sa Game 4 ng Western Conference second-round playoff series.

NATUMBA si Stephen Curry nang mabangga ng rumaragasang si James Harden na nagawang makaiskor sa layup sa isang tagpo ng kanilang laro sa Game 4 ng Western Conference second round playoff series. Balik sa Oracle Arena ang aksiyon kung saan tangan ng Rockets ang momentum sa naitalang back-to-back win

NATUMBA si Stephen Curry nang
mabangga ng rumaragasang si James
Harden na nagawang makaiskor sa layup sa isang tagpo ng kanilang laro sa Game 4 ng Western Conference second round playoff series. Balik sa Oracle Arena ang aksiyon kung saan tangan ng Rockets ang momentum sa naitalang back-to-back win

Ratsada si James Harden sa naiskor na 38 puntos para sandigan ang Houston Rockets at maitabla ang best-of-seven series sa 2-2. Balik ang aksiyon sa Oracle Arena – teritoryo ng Warriors – sa Game 5 sa Miyerkules (Huwebes sa Manila).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sablay ang parehong open shot sa three-point area nina Kevin Durant at Stephen Curry sa huling 11 segundo na nagdala sana sa ikalawang overtime ng serye. Nakuha ng Rockets ang 126-121 panalo sa Game 3 sa overtime.

Tangan ng Rockets ang siyam na puntos na bentahe, ngunit nakaiskor ng pitong sunod na puntos ang Golden State, tampok ang three-pointer ni Curry para matapyas ang iskor sa 110- 108 may 19 segundo ang nalalabi sa laro. Kumuha ng foul si Jarden, ngunit isa lamang ang naisalpak sa free throw may 11.5 segundo ang natitira.

Mula sa timeout, nakagawa ng maayos na play sa inbound ang Warriors, ngunit sablay ang three-pointer ni Durant na sinundan nang isa pang sablay na pagtatangka ng NBA leading three-point shooter na si Curry. Na-foul si Chris Paul na nagselyo sa panalo sa isang free throw.

Nanguna si Kevin Durant sa Warriors na may 34 puntos, habang kumana si Curry – nalimitahan sa 7-for- 23 shooting sa Game 3, ng 30 puntos.

Nag-ambag si Eric Gordon ng 20 puntos para sa Houston at hataw si P.J. Tucker na may 17 puntos at 10 rebounds.

BUCKS 113, CELTICS 101

Sa Boston, nadomina ng Milwaukee Bucks, sa pangunguna ni Giannis Antetokounmpo na kumubra ng 39 puntos at 16 rebounds, ang Celtics sa Game 4 ng kanilang eastern Conference second-round playoff series.

Naitala ng Bucks ang ikatlong sunod na panalo matapos magapi sa Game 1 para makalapit sa minimithing conference finals. Mapapatalsik nila sa best-of-seven series ang Celtics sa panalo sa Game 5 sa kanilang teritoryo sa Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Huling nakausad sa East finals ang Bucks noong 2001 sa panahon nina hall-of-famer Ray Allen at Glenn Robinson kung saan nagapi sila ng Philadelphia na pinagbidahan noon nina Allen Iverson at Dikembe Motumbo sa Game 7.

Nag-ambag si reserves George Hill ng 15 puntos, habang tumipa si Pat Connaughton ng siyam na puntos at 10 rebounds para sa Bucks.

Sa kanyang posibleng huling laro bilang Celtics, kumasa si Kyrie Irving ng 23 puntos at 10 assists. Isang ganap na free agent si Irving sa off season.

Umabante ang Boston ng 11 puntos bago natapyas sa 30-33 sa buzzer-beating three-pointer ni Connaughton sa first-quarter. Sa pagsisimula ng second period, arya na ang Bucks.