Pansamantalang isasara sa mga motorista ang ilang kalsada sa Mandaluyong City bukas.

Batay sa advisory ng City Traffic Enforcement Division ng lungsod, ito ay dahil sa isasagawang miting de avance.

Labinwalong oras na sarado ang bahagi ng Maysilo Circle at Boni Avenue sa Mandaluyong, simula 5:00 ng umaga hanggang 12:00 ng hatinggabi, dahil sa naturang aktibidad.

Nabatid na partikular na apektado ang mula sa bahagi ng Martines Street hanggang sa bago dumating ng San Francisco.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Kaugnay nito, magpapatupad na lang ng two-way traffic mula sa San Francisco hanggang sa Martinez.

Mary Ann Santiago