Pinabulaanan ng Malacañang na ang paghahanap kay alyas “Bikoy”, ang lalaking nasa likod ng mga videos na nag-uugnay sa pamilya ni Pangulong Duterte sa ilegal na droga, ay taktika lang upang mapagtakpan ang pagkukulang ng administrasyon.

Presidential Spokesperon Salvador Panelo

Presidential Spokesperon Salvador Panelo

Ito ang ipinahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo nang isangkot ang Liberal Party sa insidente matapos ang pagkakaaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa nag-upload ng Bikoy videos nitong linggo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Liberal Party President at Otso Diretso senatorial slate campaign manager Senator Francis Pangilinan na ang pagsasangkot sa kanilang partido sa pagkakalat ng video ay paraan upang mabaling sa iba ang atensiyon ng publiko.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gayunman sa isang panayam, sinabi ni Panelo na ang paghahanap kay Bikoy ay hindi diversionary tactic.

"Diba sila nga nag-umpisa noon, ng propaganda? Ginamit nila 'yung Bikoy propaganda para siraan ang gobyerno. Sila 'yun," aniya.

"What I'm saying is they used that against the family... In other words, they contributed to the intrigue by using that as a propaganda. Eh, ever since naman sinabi namin black propaganda, kaya hindi namin pinapansin," dagdag niya.

Argyll Cyrus B. Geducos