Good news sa mga motorista!

ROLLBACK

Matapos ang apat na magkakasunod na linggong oil price hike, pinangunahan kahapon ng Phoenix Petroleum ang big-time oil price rollback para sa susunod na linggo.

Sa pahayag ng Phoenix Petroleum, epektibo dakong 12:00 ng tanghali ngayong Sabado ay nagtapyas ito ng P1 sa kada litro ng gasolina, habang P0.80 naman ang bawas-presyo sa diesel.

Probinsya

'Amazing race?' 15 bus ng isang bus company, suspendido dahil sa 'karera'

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis, tulad ng Shell, Petron, Flying V at PTT Philippines, sa kaparehong bawas-presyo sa petrolyo sa Martes, Mayo 7.

Ang price rollback sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdaigang pamilihan.

Abril 2 pa huling nagbawas ng 30 sentimos sa diesel, 20 sentimos sa kerosene, at 10 sentimos sa gasolina.

Bella Gamotea