Pumanaw na si dating House Speaker Prospero “Boy Nogie” Nograles.

Ex-House Speaker Prospero Nograles (MB, file)

Ex-House Speaker Prospero Nograles (MB, file)

Ito ang kinumpirma ngayong Sabado ng anak niyang si Cabinet Secretary Karlo Nograles, sinabing sumakabilang-buhay ang kanyang ama sa edad na 71, habang kapiling ang kanilang pamilya.

“Our family would like to express our deepest gratitude to all of you for being a part of Papa Boy Nogie’s life and journey,” ani Secretary Nograles.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“Papa passed away peacefully, surrounded by his family. May we please ask for your continued prayers. He is finally at peace. Details of the wake to follow,” dagdag pa niya.

Hindi na isinapubliko ng pamilya ang sanhi ng pagkamatay ng dating kongresista.

Si Nograles ay naging House Speaker sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, noong 2008.

Naging kritiko rin siya ni Pangulong Duterte sa loob ng apat na dekada.

Matatandaang humingi na ng paumanhin si Nograles sa Pangulo kaugnay ng pambabatikos niya rito, nang dumalo ito sa birthday celebration ng anak na si Karlo, sa Davao City, noong Setyembre 2017.

Argyll Cyrus B. Geducos