Pang-international talaga si Gloria Diaz—mapapanood siya sa Season 2 ng Netflix series na Insatiable.

Gloria Diaz at Dallas Roberts sa set ng ‘Insatiable’

Gloria Diaz at Dallas Roberts sa set ng ‘Insatiable’

May post si Gloria sa kanyang Instagram kasama ang American actor na si Dallas Roberts, at nagsilbing announcement ito na mapapanood ang Miss Universe 1969 sa Insatiable.

“Working with Dallas Roberts on the set of ‘INSATIABLE’ of NETFLIX. I am excited /nervous/feels like I am a beginner/can’t remember my lines/and just totally overwhelmed,“ caption ni Gloria.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Batay sa nabasa namin, sa Season 2 ng American black comedy-drama series mapapanood si Gloria.

Hindi rin nabanggit ni Gloria kung guest o recurring ang karakter niya sa Insatiable, na tungkol sa isang babaeng dating mataba, na nang pumayat ay nagpasyang maghiganti sa kanyang body-shamers at tinutukan ang pagsali sa mga beauty pageants.

Hindi lang ang pamilya ni Gloria ang masaya at tuwang-tuwa sa magandang balitang ito, kundi maging ang followers ng unang Pinay Miss Universe. Nangako silang panonoorin at susubaybayan ang Insatiable.

-Nitz Miralles