TULOY ang pagpo-post ni Coco Martin ng mga quotation cards bilang sagot sa mga patuloy na humahanash sa kanya, dahil ayaw pa ring patulan ng aktor ang isyu tungkol sa panganganak daw ni Julia Montes sa baby nila.

Julia at Yassi

Hindi na kailangang sagutin ni Coco isa-isa ang mga galit sa kanya. Naniniwala ang bida ng FPJ’s Ang Probinsyano na sapat na ang quotation cards bilang sagot sa mga isyung hindi siya tinatantanan.

Nakasaad sa isa sa mga quotation card na bagong post ni Coco: “I’m too old to worry about who likes me and who dislikes me. I have more important things to do. If you love me, I love you. If you support me, I support you. If you hate me, I don’t care. Life goes on with or without you.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Heto ang latest quotation card na ipinost ni Coco: “When life is rough, pray. When life is great, pray.”

Napapansin naman namin sa comments sa social media na damay din si Yassi Pressman sa issue. Siya kasi ang tinutukoy ng shippers nina Coco at Julia na dahilan kung bakit hindi pa happy ang love story daw nina Coco at Julia.

Pinagkukumpara rin ng fans ang achievements nina Yassi at Julia, na aliw basahin, dahil walang gustong magpatalo sa dalawang kampo. Naglabasan pa ng achievements ng dalawang aktres ang kani-kaniyang fans , kaya n a m a n nawala b i g l a k a y C o c o a n g focus ng isyu.

-NITZ MIRALLES