Napatay ang dalawang lalaking umano’y nasa drug watchlist matapos umanong lumaban sa pulisya sa isang operasyon kontra iligal na droga sa Barangay Bakod Bayan, Cabanatuan City, Nueva Ecija, kaninang madaling-araw.

SHOOTOUT (21)

Binawian ng buhay ang dalawang suspek na sina Anthony Arenas, alyas "Tone”, at Cedric Mina, alyas "Onjong", kapwa

nasa hustong gulang.

Eleksyon

Ex-VP Leni, inendorso rin si Benhur Abalos

Sa imbestigasyon ng Cabanatuan City Police, isinailalim sa operasyon ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ang dalawang suspek sa Barangay Bakod-Bayan, dakong 2:20 ng madaling araw.

Nahalata umano ng dalawa na isa lamang patibong ang transaksyon kaya pinaputukan nila ang mga pulis.

Bumulagta ang dalawang suspek na nasamsaman ng isang homemade cal. 22 pistol; cal .38 revolver; marked money, 27 na plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu, at isang motorsiklo na ginagamit umano ng mga ito sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga.

-Light A. Nolasco