TULOY ang pananalasa ni USANA Health Science Silver Director Renie Malupa ng Dasmariñas City, Cavite sa top board para pangunahan ang 10ct trio Chess Team sa kampeonato sa katatapos na Muntinlupa Chess Tatluhan Team Tournament 1950 average ratings nitong Linggo sa Villa Constantino Resort Cupang sa Muntinlupa City.

Ang 2008 NCAA gold medallist na si Malupa na miyembro rin ng 3-times NCAA Champion College of St. Benilde Chess Team ay giniba si Jonathan Eugenio para ihatid ang 10ct trio Chess Team sa 2-1 win kontra sa Team Yhey-Muntinlupa sa sixth at final round.

Dahil sa natamong panalo ni Malupa ay naka kolekta ng 5.5 points sa six outings para matulungan ang kanyang koponan sa tagumpay sa 38-team tournament. Subalit nakamit ni Mark Bravo ng Robert Arellano chess team ang perfect six points para manalo sa individual board 1 gold medal award matapos ungusan ang fellow six pointers na si Genghis Katipunan Imperial ng Eduel’s Top Secret sa tie break points.

Ang 10ct trio Chess Team ay tumapos ng 12 match points para tangapin ang top prize P20,000 plus elegant trophy. Bukod kay Malupa kasama din sa nasabing koponan ay sina Riomar Lago at Richard Manzano.

Namayagpag din ang Patrol Party-list chess team ni International Billiards/Snooker Champion Marlon Manalo na kinatawan nina Al Basher “Basty” Buto, Rohanisah Buto at Alysah Buto sa kiddy team event.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics