HINDI mabilang ang tagumpay ng atletang Pinoy sa international event, ngunit natatangi ang dominasyon ni Ernest John Obiena sa men's pole vault ng Asian Athletics Championships sa Doha, Qatar.
Naitala ng 23-anyos ang marka sa pole vault nang malagpasan ang 5.71 meters at gapiin sina Chinese bets Zhang Wei at Huang Bokai, at burahin ang dating marka na 5.70 meter ni Kazakh Grigoriy Yegorov noong 1993 edition sa Manila.
Ito ang unang panalo ng Pinoy sa continental meet mula ng magwagi si Marestella Torres (long jump) noong 2009.
Bunsod nito, nagkakaisa ang mga miyembro at opisyal na Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) na ipagkaloob sa pambato ng University of Santos Tomas ang "TOPS Athlete of the Month" sa April.
"EJ Obiena's personal success and tournament record, which ended the country's decade-long gold medal drought in the Asian Athletics Championships is clearly the most inspiring achievement by the Filipino athletes this April," sambit ni TOPS president Ed Andaya ng People's Tonight.
"With his feat, Obiena also qualified to the World Championships in September," aniya.
Napabilang si Obiena sa talaan ng atletang kampeon na na ginawan ng parangal ng TOPS – Manny Pacquiao (January), swimmer Mikaela Jasmine Mojdeh (February) and pole vaulter Natalie Uy (March).
Kabilang sa inendoso sa parangal sina 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz, nagwagi ng silver medal sa Asian Weightlifting Championships sa Ningbo, China.
Ang TOPS "Usapang Sports", sa weekly forum na ginaganap sa National Press Club, sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association and HG Guyabano Tea Leaf Drink with livestreaming from Glitter Livestreaming.