Magsasabay-sabay pang magtaas ng presyo ang gasolina, diesel, at LPG sa susunod na linggo.

Batay sa taya ng mga kumpanya ng langis, inaasahang aabot sa 70 sentimos hanggang 90 sentimos ang madadagdag sa kada litro ng gasolina at diesel sa susunod na linggo.

Tinatayang sa Martes, Abril 30, ipatutupad ang P0.80-P0.90 pagtaas sa kada litro ng diesel, habang papalo naman sa P0.70-P0.80 ang madadagdag sa kada litro ng gasolina.

Matatandaang nasa 10 sentimos ang itinaas sa produktong petrolyo ngayong nakaraang linggo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pero iba ang linggong ito, dahil sasabay din sa taas-presyo ang LPG, batay sa taya ng industry players.

Posibleng umabot sa P1.00 kada kilo, o P11 sa bawat 11-kilogram LPG, ang madadagdag sa presyo nito sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy (DoE), ang inaasahang taas-presyo ay bunsod ng nagkasabay na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado, at pagtaas ng piso kontra dolyar.

Myrna M. Velasco at Bella Gamotea