Nasa kustodiya na ng Bureau of Immigration (BI) sa Davao City ang walong Chinese matapos silang maaktuhang nagsasagawa ng illegal salvage operations sa lumubog na barko sa baybayin ng Barangay Pinol, Maitum, Sarangani, kamakailan.

NASABAT

Ayon kay BI-deputy chief Pedrito Lopez, Jr., nakasakay ang walong banyaga sa isang China-registered Barge Dongfu 881 nang masabat ng mga tauhan ng Philippine Navy sa nabanggit na lugar.

Paglilinaw ni Lt. Eduardo Baliguat, ng Naval Eastern Mindanao Command, naaktuhan nila mga ito na na isinasalba ang isang Japanese vessel na lumubog noong World War II.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Natuklasan din aniya nila na walang papeles o permit ang mga Chinese para sa nasabing operasyon.

Nasa kustodiya na ng BI-Davao City ang walo habang nakabibbin ang kanilang deportation proceedings.

-Joseph Jubelag