Nasa 17 probinsiya ang makararanas ng tagtuyot sa pagtatapos ng Mayo, ngunit magpapatuloy ang El Niño hanggang sa ikatlong bahagi ng 2019.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), 17 probinsiya sa Luzon at Visayas o 20 porsiyento ng bansa ang makararanas ng tagtuyot, habang tatlong probinsiya sa Visayas o 4% ng bansa ay makararanas ng dry spell sa huling bahagi ng Mayo.
Kabilang sa mga probinsiyang makararanas ng tagtuyot ay ang Bataan, Metro
Manila, Cavite, Marinduque, Romblon, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon, Aklan, Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, at Samar. Ito ay 20% ng bansa.
Samantala, ang Bohol, Cebu at Southern Leyte ay makararanas ng dry spell sa pagtatapos ng Mayo.
Ayon sa PAGASA, sa kasalukuyan, nasa 41 probinsiya ang dumaranas ng tagtuyot, habang 23 probinsiya ang dumaranas ng dry spell.
-Ellalyn De Vera-Ruiz