TAMPOK na panauhin sina Rio Olympics veteran at three-time Southeast Asian Games gold medalist Charly Suarez kasama ang Philippine women’s hockey team sa gaganaping ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Phgilippine Sports (TOPS) bukas sa National Press Club (NPC) sa Intramuros Manila.

Hiniling ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight sa mga opisyal at miyembro na makiisa sa programa na magsisimula ganap na 10:00 ng umaga.

Nakamit ng Team Philippines ang gold medal sa 2019 IIHF Women’s Hockey Challenge Cup kamakailan.

Inaasahang tatalakayin ni Suarez, isinantabi ang pangarap na makakuha ng medalya sa 2020 Tokyo Olympic Games para maging isang ganap na pro boxers, ang nalalapit na title fight sa Mayo 10 sa Davao City.

Sasamahan siya nina Jilson Basang, founder/owner ng Mabuhay Promotions, at Delfin Boholst, coach at sparring partner ni Suarez.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Mangunguna naman sa Philippine women’s hockey team sina coach Carl Montano, team captain Georgie Regencia, Eadrea Ham at Kathleen Tan sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), National Press Club (NPC), PAGCOR, CBA at HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde.

Nakamit ng 30-anyos na si Suarez, pambato ng Sawata, Davao Del Norte, ang tatlong medalya sa Southeast Asian Games — 2009 (gold, featherweight), 2011 (gold, lightweight) at 2017 (bronze, light welterweight) gayundin ang ilver sa 2014 Incheon Asian Games .

Nangibabaw naman ang Philippine women’s hockey team ng gapiin ang United Arab Emirates, 2-1, sa finals ng IIHF Women’s Hockey Challenge Cup kamakailan sa Zayed Sports City Ice Rink sa Abu Dhabi.