CAMP COL. RAFAEL C. RODRIGUEZ, Butuan City – Isa namang bloke ng pinaghihinalaang cocaine ang natagpuang lumulutang sa karagatang bahagi ng Arlan, Sta. Monica, Siargao Island, Surigao del Norte, nitong Huwebes ng hapon.

COCAINE

Sa natanggap na report ni Northeastern Mindanao Police Regional Office 13 (PRO 13) director Brig. Gen. Gilberto Cruz, mula sa Police Task Force sa Siargao at Surigao del Norte Police Provincial Office (PPO), binanggit na tinatayang aabot ng P5.3 milyon ang halaga ng nasabing iligal na droga.

Aniya, pagkadaong ng isang mangingisda sa Barangay Rizal Fishing Port sa nasabing bayan, kaagad niyang iniulat ang insidente sa Bantay Dagat Monitoring Center na tumawag naman sa Sta. Monica Municipal Police Station (MPS).

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa paunang ulat ng pulisya, aabot sa isang kilo ang nadiskubreng cocaine.

“While he (fisherman) was fishing in the deep sea more or less forty (40) nautical miles from Sta. Monica, one piece rectangle unidentified object, wrapped in black rubberlike cellophane came across his boat and out of curiosity, he picked it up and unwrapped it and found out that it was alike to what he saw on the news which is believed to be suspected cocaine,” ayon pa sa Sta. Monica Municipal Police.

-Mike U. Crismundo