SINGAPORE! – Asahan ang mas malawak at world-class fight sa ONE bunsod ng paglagda ng multi-year partnership sa Global Association of Mixed Martial Arts (GAMMA),ang independent governing body sa sports.

Nakabase sa Amsterdam, ang GAMMA ay i sang non-prof i t organization na itinatag noong 2018 at itinuturing pinakamalaking mixed martial arts group sa limang kontinente.

Pinangangasiwaan ang GAMMA ni Alexander Engelhardt, habang ang kabuuangh 60 bansa ang bumubuo sa national federation membership.

Matagal nang isinusulong ng GAMMA ang pagiging regular sports ng MMA sa Olympic upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan at amateur players na matupad ang pangarap na makalaro sa pinakamalaking sports stage sa mundo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bahagi ng napagkasunduan sa tambalan ang pagbibigay ng suporta ng ONE Championship para mapalawak at mapataas ang level ng sports upang higit na mailapit sa maraming tao at makakuha ng ayuda para sa minimithing Olympics.

Makikipagtulungan din ang ONE sa GAMMA para maisulong ang pagpapataas ng level sa disiplina, health and safety standards, anti-doping regulations, at competition rules para sa kapakanan ng mga atleta.

“ONE Championship is thrilled to announce a multi-year partnership with GAMMA, the world’s independent governing body of the sport of mixed martial arts. As a lifelong martial artist, I am personally invested in developing the amateur mixed martial arts scene, and ensuring that all athletes have the right foundation and support to pursue a professional career in this sport,” pahayag ni Chatri Sityodtong, Chairman and CEO of ONE Championship.

Sa pakikipagtulungan ng ONE Championship,magsasagawa ang GAMMA ng Amateur MMA World Championships sa Singapore sa Nobyembre upang itampok ang pinakamahuhusay na atleta ng MMA.

“On behalf of GAMMA, I would like to thank ONE Championship for their support and commitment to the sport of mixed martial arts. As a lifelong karate practitioner, I am passionate about delivering the same level of international recognition to the discipline of mixed martial arts. Both GAMMA and ONE celebrate the authentic martial arts values of integrity, humility, honor, respect, courage, discipline, and compassion in the same spirit as the Olympics. With this philosophical foundation, GAMMA and ONE aim to elevate the sport of mixed martial arts and prepare it for entry into the Olympics,” sambit ni Alexander Engelhardt, President ng GAMMA.