PAGKATAPOS gawin ang isang teleserye sa Kapuso network ilang buwan na ang nakararaan, balik-Kapamilya na naman ang aktres na si Sunshine Cruz para sa isang major all-star teleserye ng Dreamscape na Love Thy Woman. Gaganap siyang nanay ni Kim Chiu sa serye.

sunshine cruz

Ayon sa aktres, hindi naman daw big deal na siya ang gaganap bilang nanay ni Kim dahil isa siyang nanay sa totoong buhay at tatlo na nga ang teenage daughters niya. Aniya, walang pressure sa kanya ang role as nanay.

“Kailangan lang sigurong magbawas ng timbang (for the role),” sey ni Sunshine.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Biro pa niya, “Kailangan magpa-sexy! Ang slim ni Kim e, nape-pressure ako! Hindi, pero I’m really very excited na mag-start na kami dito.”

Challenge din para sa aktres ang matuto ng bagong lengguwahe para sa teleserye.

“Parang kailangan din matuto ng Mandarin, buti na lang ‘yung magiging brother ko dito si David (Chua) and he speaks Chinese fluently, (kaya) sa kanya na lang din ako nagpaturo, pero marunong ako mag-count one to ten ng Mandarin,” biro pa ni Sunshine.

Sa muli nitong pagharap sa press kamakailan lang, naitanong sa aktres kung may posibilidad na bang magpakasal sila ng boyfriend niyang si Chuck Mathay matapos paboran ng korte ang naging proseso ng kanyang annulment case sa dating asawa na si Cesar Montano.

Wala pa raw ito sa kanyang plano. Dahilan niya, “Lord! Kalalabas lang recently ‘yung motion for reconsideration para doon sa annulment namin. And thank God, it was denied naman,” paliwanag ni Sunshine.

Pagtutuunan muna daw nito ang kaliwa’t kanang offers na dumarating sa kanya. Bukod kasi sa teleseryeng Love Thy Woman mula sa Dreamscape, may isa pang nakalatag na pelikula si Sunshine ngayong taon.

-ADOR V. SALUTA