IPRINISINTA ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Chairman Alan Peter Cayetano ang hosting ng biennial meet kahapon sa harap ng Pangulong Rodirigo Duterte sa ginanap na pagpupulong kamakailan sa Malacanang.

Hinarap ni Cayetano at angmga opisyal ng pamahalaan upang maiparating ng PHISGOC ang pangangailangan para sa pinansiyal na aspeto ng paghahanda sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

“Una kami magpe present. This is to update them on SEA Games hosting and to mention na rin about sa 2020 Para SEA Games, at para humingi kami ng tulong sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno,” pahayag ni Cayetano sa kanyang live stream sa kanyang social media account.

“ This is gonna be something great. Something new for the Philippines, the Philippines under Duterte. Hindi lang panay sa Metro Manila kundi pati Central Luzon.So since it is Holy Week, ipagdasal po natin ang ating Pangulo at ang buong Pilipinas and of course the success of our hosting,” ani Cayetano.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hinikayat din ni Cayetano ang ilan nating kababayan na makilahok sa hosting ng SEA Games lalo na ngayon na 12000 hanggang 15000 volunteers ang kakailangan upang masiguro ang tagumpya ng nasabing hosting ng biennial meet.

“We are expecting 12-15000 volunteers. Kailangang kailangan po natin ‘yan. So you can help us in your own little way po,” pahayag ng dating DFA secretary.

-Annie Abad