HINDI ikinatuwa ng isang netizen ang pagpapasilip online ni Gretchen Barretto ng kanyang marangyang walk-in closet, sa Instagram Story niya nitong April 9. Sa laki ng kanyang closet, sakop nito ang dalawang kuwarto sa kanyang bahay.

Gretchen

M a k i k i t a a n g mga mamahaling damit, shoes, at bags ni Gretchen na naka-display sa nasabing walk-in closet.

Sabi ng isang netizen, hindi raw naman sariling pera ni Gretchen ang ipinambili ng mga iyon, kundi mula sa longtime partner ng aktres na si Tonyboy Cojuangco. Sabi pa, hindi nga puwedeng ikasal sina Gretchen at Tony Boy dahil legally married pa rin si Tonyboy sa dating equestrienne na si Denise Yabut-Cojuangco.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Batikos ng netizen kay Gretchen: “Materialistic talaga si @gretchenbarretto. Kahit puro ginto ang buong bahay mo ‘di mo pa rin pera ang pinangbili mo. Kabit @ gretchenbarretto. Hay naku, maluho ka talaga.”

Dahil naka-tag si Gretchen, agad niyang sinagot ang nasabing netizen.

“One thing is for certain, I may be called a mistress/kabit, etc, but I will never dream of trading places with any basher for the simple reason that you are envious and bitter [heart emoji].

“The fact that you have time to waste on viewing my posts and bashing only means you are utterly disgusted with how your life is [heart emoji].” Muli pang binatikos ng netizen si Gretchen dahil sa umano’y pagsawsaw niya sa legal battle nina Kris Aquino at Nicko Falcis. Matatandaang kinampihan ni Gretchen si Nicko, na dating endorsement closer/ talent agent/at project director ng digital company ni Kris.

May malisya pang pahaging ang netizen laban kay Gretchen, at binanggit ang tungkol sa pagkakaugnay ng aktres sa pawang may asawa na: “Just remember John Estrada, Bong Revilla at Atong Ang.”

Pero nanatiling cool si Gretchen sa kabila ng mga alegasyon ng netizen sa kanya.

“Eat your nasty heart out [laughing emoji] I’m living my life to the fullest while you find comfort in bashin those who live happily. [hands up] love & light,” sagot ni Gretchen.

Humirit naman ang netizen na pinaghihirapan niya kung anuman ang pinanggagastos niya. Hindi raw katulad ni Gretchen na “kailangan pang niyang kumabit sa Sugar Daddy niya para sa mga expensive na damit niya hahaha #materialisticGreta.”

Sumagot uli si Gretchen: “Because nobody is willing to spend for that attitude that you have. Its not the pretty face darling but the character [kiss emoji]. Work your ass off [laughing emoji].” Nang hindi pa rin tumigil ang netizen sa pamba-bash sa kanya, idiniin ni Gretchen na ipagdarasal na lang niya ang kanyang detractors.

“Love & light to you my dearest o n e . You a r e f u l l o f d a r k n e s s . I will pray for you [praying emoji].” Ipinagtanggol naman si Gretchen ng ibang netizens, at sinabing huwag na lang niyang patulan ang basher.

-Ador V. Saluta