Para kay Rene “The Challenger” Catalan ay wala sa bokabularyo niya ang salitang ‘off-season’
Halos limang linggo mula sa pinakamalaki niyang panalo , ang 40 anyos ay lilipad patungong Indonesia upang makipagtrabaho kasama ng Surabaya Jawal Time Wushu Team para sa susunod na buwan.
Kakapanalo lang niya mula sa dating ONE Strawweight World Champion na si Yoshitaka “Nobita” Naito sa ONE: REIGN OF VALOR sa Yangon, Myanmar. Pero walang makakapigil sa kanya upang pagbutihin pa ang kanyang pakikipaglaban.
“This is a part of my preparation for my next fight. We went to Indonesia to improve on my wushu sanda skills, and other little things that I need to develop, like the ground game,”sabi ni Catalan na mageensayo sa ilalim ni head coach Agus Suprayitno.
“I would also like to work on my conditioning to maximize my stamina and endurance.”
Hindi pa nakatakda kung kalian ang susunod niyang laban pero naghahanda na agad siya.
“I have always dreamt of being a World Champion and for me to get there, I have to always be ready,” sabi niya.
Ngayong may anim na sunod-sunod na panalo, isa sa pinakamaiinit na atleta ngayon si Catalan sa ONE Championship's strawweight division.
Sa kabila ng lahat, naniniwala pa rin si Catalan na marami pa siyang kailangan trabahuhin at nangangako siya na laging pagbubutihin ang kanyang mga kakayahan.
“I’ve been training everywhere, left and right. I know that I still have a lot to work and to improve on if I truly want to stay ahead of the game,” sabi niya.
“I admit that there are still a lot of things that I need to work on — that’s why I went here to Indonesia to truly focus on it.”